
Matagumpay na idinaos ang 2025 IDADAIT Color Fun Run noong ika-28 ng Hunyo, 2025 sa Lungsod ng Tuguegarao, sa pangunguna ng Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center (DOH-TRC).
Bilang pagpapakita ng suporta, aktibong lumahok ang mga kawani ng Department of the Interior and Local Government Region 2 (DILG R2) sa nasabing fun run, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga kabataan, non-government organizations, at mga institusyong pang-edukasyon. Tinatayang mahigit sa isang libong katao ang dumalo sa makulay at masayang aktibidad na ito.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng 2025 IDADAIT Color Fun Run ay patunay ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor upang isulong ang mga hakbangin sa pagpigil at pagtugon sa suliranin ng ilegal na droga. Patuloy na nakikiisa ang DILG Region 2 sa mga ganitong gawain bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa isang lipunang ligtas, malusog, at walang droga.
#WorldDrugDay
#StopOrganizedCrime