Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) o World Drug Day, sabay-sabay na binigkas at nilagdaan ng mga opisyal at kawani ng DILG R2 ang Pledge of Commitment sa pangunguna ni Assistant Regional Director Elpidio A. Durwin, CESO IV. Ang aktibidad ay isinagawa noong Ika-30 ng Hunyo, 2025 sa DILG Conference Hall, Lungsod ng Tuguegarao, kasabay ng regular na Monday Convocation.

Bilang bahagi ng programa, tinalakay rin ang paksang “Masasamang Epekto ng Pag-abuso sa Droga at mga Umiiral na Trend sa Kalakalan ng Ipinagbabawal na Gamot,” na ipinresenta ni Chief Administrative Officer Renante C. Rosero mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.

Layunin ng nasabing aktibidad na magsilbing daan upang mapalalim ang kaalaman ng mga empleyado at iba pang kalahok hinggil sa kahalagahan ng mga hakbang sa pag-iwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa pamamagitan nito, muling ipinapahayag ng DILG Region 2 ang matatag na suporta nito sa taunang selebrasyon ng IDADAIT bilang bahagi ng mas malawak na kampanya ng pamahalaan upang labanan ang pag-abuso sa droga at ang patuloy na paglaganap ng ilegal na kalakalan nito.
 

#WorldDrugDay
#StopOrganizedCrime