Isinagawa ng Akademya ng Pamahalaang Lokal (LGA), katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Rehiyon II (DILG R2), ang "Orientation for Capacity Development Managers" noong Hunyo 23-24, 2025 sa NGN Gran Hotel, Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.

Layunin ng nasabing oryentasyon na mapalalim ang pang-unawa at mapalakas ang kakayahan ng mga DILG Regional at Field Officers sa mga Capacity Development (CapDev) interventions para sa mga Pamahalaang Lokal (LGUs), lalo na sa mga aktibidad na bahagi ng NEO PLUS Program (Newly-Elected Officials Program Plus).

Sa kanyang welcome message, binigyang-diin ni Regional Director Agnes A. De Leon, CESO IV, na mahalaga ang magiging papel ng mga Capacity Development Managers sa pag-gabay sa mga bagong halal na opisyal ng LGUs. Aniya, sila ang magiging katuwang sa buong implementasyon ng NEO PLUS Program, na nakatuon sa paghubog ng kakayahan at kaalaman ng mga bagong lider lokal.

Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng DILG sa mga LGUs, ang aktibidad na ito ay naglalayong tiyakin na maipapatupad ang mga angkop at epektibong capacity development programs para sa mga bagong halal at na-re-elect na mga lokal na opisyal sa buong Rehiyon II.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahang mas magiging handa ang mga Capacity Development Managers sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga LGU tungo sa mas mahusay na pamamahala at serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Sa pagtatapos ng dalawang araw na aktibidad, nagbigay ng panghuling mensahe si Assistant Regional Director Elpidio A. Durwin, CESO IV, kung saan binigyang-diin niya na ang oryentasyon na ito ay simula pa lamang ng mas malawak na tungkulin ng bawat isa bilang mentors, leaders, at capacity builder’s para sa mga LGUs ng Rehiyon II. Hinikayat niya ang lahat na gampanan ang kanilang mga gawain na may puso, layunin, at malasakit para sa bayan.

DILG Rehiyon Dos at Local Government Academy, Nagsagawa ng Oryentasyon para sa mga Capacity Development Managers sa Rehiyon II Tungkol sa NEO Plus Program para sa mga Bagong Halal na Opisyal.

LGOO II SUZETTE J. BAYSAULI