Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Ikalawang Rehiyon, sa pamamagitan ng Dibisyon ng Pagpapaunlad ng Kakayanan ng Pamahalaang Lokal (LGCDD), ay nagsagawa ng Oryentasyon sa R.A. No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act sa bulwagan ng Panrehiyong Tanggapan noong ika-28 ng Abril, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay tugon sa pakikibahagi ng kagawaran sa pagdiriwang ng Solo Parents Day. Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng DILG Rehiyon Dos kung saan tinalakay ang mga pangunahing kwalipikasyon ng Solo Parent upang makatanggap ng mga benepisyo na nasa ilalim ng batas at maging ang mga tungkulin ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad nito.

Layunin ng aktibidad ang pagpapalaganap ng kaalaman ng bawat kawani ukol sa mga probisyon ng batas na nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga Solo Parent. Ito ay bahagi sa adhikain ng DILG Rehiyon Dos na mapalawak ang kamalayan sa nakararami sa pamamagitan ng adbokasiya para sa higit na pagkilala, pagprotekta at pagsuporta sa mga Solo Parents sa Rehiyon.

SOURCE: Legal Assistant II Enrico Miguel S. Gonzales