
18 Pebrero 2025 l Ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan – Rehiyon 02 ay nagsagawa ng pagkilala at pagpaparangal sa walumpu’t pitong (87) lokal na pamahalaan ng rehiyon noong ika-17 ng Pebrero 2025 sa Pulsar Hotel, Buntun, Tuguegarao City.
Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng nararapat na pagkilala sa mga mahuhusay na lokal na pamahalaan na nakamit ang 100% na marka sa Functionality Audit para sa Peace and Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performnace Audits, mga nakapasa sa Seal of Good Local Governance, at mga kinilalang pumasa ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG).
Ang aktibidad ay dinaluhan ng humigit kumulang tatlong daan na kalahok na binubuo ng mga Alkalde, Bise-Alkalde at iba opisyal mula sa mga probinsiya, lungsod at bayan kabilang ang mga Panlalawigang Direktor, Cluster Head at Pinunong Tagapagpakilos ng Lokal na Pamahalaan. Pinarangalan din sa bulwagan ang presencya at suporta ng mga ibat-ibang ahensya sa pamamagitanng mga iba’t-ibang Direktor Panrehiyon mula sa Department of Social Welfare and Development FO2 na pinapangunahan ni Dir. Lucia S. Alan, RSW; PB Gen Antonio P. Marallag ng Police Regional Office 2; Dir. Charlene R. Magdurulang ng Philippine Drug Enforcement Agency RO II; FSSUPT Michael Castillo ng Bureau of Fire Protection RO2; JSUPT Juliet M. Miranda ng Bureau of Jail Management and Penology RO2; Vice President Jay P. Chy ng Isabela State University at ang kinatawan ng Council for the Welfare of Children na si PLO III Andre R. Canilang.
Bilang pangunahing tagapagsalita, binigyang diin ni Dir. Alfonso A. Maralli, Jr., CESO IV sa kanyang mensahe, ang kritikal na tungkulin ng mga lider tungo sa tamang pamamahala. Ayon sa kanya, ang parangal ay hindi layunin kundi umpisa ng pagbabago upang makamit ang mas naaayon at mabisang pagseserbisyo sa mga sinasakupan.