15 Enero 2025 l Kasabay ng pagsusumikap ng gobyerno na itaguyod ang child-friendly na lokal na pamahalaan, ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan – Rehiyon 02 ay nagsagawa ng 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) Regional Orientation noong ika-15 ng Enero 2025 sa pamamagitan ng Zoom platform at facebook live.

 Ang layunin ng oryentasyong ito ay para maging pamilyar ang mga local stakeholders sa mga na-update na alituntunin at proseso ng CFLGA upang matiyak ang epektibong pagsusuri ng mga inisyatibang pambata ng mga LGU.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng Provincial, City at Municipal Inter-Agency Montitoring Task Force (P/C/M IMTF) na binubuo ng mga kinatawan mula sa Local Social Welfare and Development Office, Local Planning and Development Office, Local Health Office, Kagawaran ng Edukasyon at Civil Society Organizations.

Tinalakay ni LGMED Chief Maybelle E. Anog ang pangkalahatang ideya at background ng DILG MC 2024 – 160: CFLGA para sa Lahat ng Antas ng Lokal na Pamahalaan, na nagbigay ng masusing pagtingin sa mga na-update na alituntunin pasa sa audit. Binanggit din niya ang mga resulta nf rehiyon para sa 2024 CFLGA at ang iskedyul ng implementasyon para sa 2025.

Kabilang sa mga Resource Person na tumalakay sa mga audit indicators ay sina LGOO V Jasmin O. Aresta, at LGOO IV Wendelin S. Taruc ng DILG RO2; Bb. April Obtinario, Consultant; Regional Coordinator Mary Joy T. Mamauag ng RSCWC at SWO II Gezelle D. Cipriano ng DSWD FO2.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni RD Agnes A. De Leon, CESO IV, ang pagpapakilala ng CFLGA para sa mga lalawigan at barangay sa darating na 2025 audit year, itinuturing na mahalaga ang pinalawak na saklaw ng audit upang matiyak na patuloy na binibigyan ng prioridad ng lokal na pamahalaan ang kapakanan ng mga bata at inklusibidad sa lahat ng antas. Binati din niya ang mga lokal na pamahalaan na pumasa sa nakaraang CFLGA at binanggit na mula sa 93 na LGUs, 74 o 79.56% LGUs ang nakapasa.

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam