CABARROGUIS, QUIRINO -- Nagsagawa ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan (DILG) Quirino ng serye ng pagsusuri para sa pagpapatupad ng 2023 Excellence Award for Governance and Leadership (EAGLE), noong ika-30 ng Agosto, 2023. Bahagi ito ng pangako ng Kagawaran na pormal na kilalanin ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan sa mahusay nilang pagganap ng kanilang mga tungkulin at mabubuting kasanayan sa lokal na pamamahala.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino, ay nagtatag ng taunang parangal para sa mga Barangay ang DILG Quirino sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Qurino, na binansagang Barangay Awards for Local Leadership In Exemplifying Good Governance and Innovations o BALLIGI Iti Kailyan, na igagawad sa Panagdadapun Festival ng Quirino. Ibinase sa 2023 EAGLE ang mga kategorya na may karagdangang parangal para sa Most Compliant in Barangay Full Disclosure Policy (BFDP).

mga-pamahalaang-lokal-sa-quirino-inaasahang-mamayagpag-sa-2023-eagle2Nagpulong ang ng mga miyembro ng PET para sa kanilang gagawing estratehiya sa pagsasagawa ng on-site evaluation sa mga nominadong barangay noong ika-18 ng Agosto, 2023 sa DILG Quirino Office, San Marcos, Cabarroguis.

Bilang paghahanda, ang Provincial Evaluation Team (PET) na pinamumunuan ni Atty. Salvacion Z. Baccay, CESO V, ay nagsagawa ng pagpupulong noong ika-18 ng Agosto, 2023 sa DILG Provincial Office, Cabarroguis, Quirino, upang talakayin ang kanilang mga tungkulin at estratehiya gayundin ang pagtakda ng iskedyul para sa pagsasagawa ng on-site evaluation sa mga nominadong barangay.

Ang PET ay binubuo nina:

Pinuno

PD Salvacion Z. Baccay, CESO V

Kawaksing Pinuno

PM Blessing Grace G. Sagun

Mga Miyembro

LGOO V Carolyn C. Mateo

LGOO II John Lambert A. Pascual

LGOO II Austine Junel C. Madamba

LGOO II Ranielle Pauline D. Delos Reyes

BO IV Maila G. Silva

AO V Jocelyn I. dantes

PTCOL Danilo P. Abalos

PCMS Ronald R. Sanglay

Atty. Reallen C. Sadang

Sumunod ay ang pagtungo ng mga miyembro ng PET sa mga nominadong barangay ng anim na bayan ng lalawigan noong ika-22, 23 at 29 ng Agosto, 2023. Kabilang sa mga nominadong barangay ay ang mga sumusunod: Calaocan at Banuar sa bayan ng Cabarroguis; Rizal, Dibul at Salvacion sa bayan ng Saguday; Andres Bonifacio, Guribang at Baguio Village sa bayan ng Diffun; Progreso, Palacian, Villa Ventura at Villa Santiago sa bayan ng Aglipay; Dissimungal at Ponggo sa bayan ng Nagtipunan; at San Pedro, Dumabato Norte at Poblacion Sur sa bayan ng Maddela.

mga-pamahalaang-lokal-sa-quirino-inaasahang-mamayagpag-sa-2023-eagle3Sinuri ng mga kawani ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) ang kapasidad sa pagbibigay ng paunang lunas ng mga Tanod ng Andres Bonifacio, Diffun sa pamamagitan ng simulation exercise noong ika-23 ng Agosto, 2023

Tinipon ng DILG-Qurino sa pamumuno ng Opisyal na Namamahala na si CH Michael E. Camacam ang mga miyembro ng PET para sa pagwawari-wari ng mga resulta sa nangyaring on-site evaluation noong ika-30 ng Agosto, 2023. Ito ang mga nagwagi at nominadong mga barangay base sa nakalap na puntos at deliberasyon ng mga PET:

Kategorya

Nagwagi/Nominado

Most Outstanding Barangay/Punong Barangay

Calaocan, Cabarroguis

Most Outstanding Sangguniang Barangay

Andres Bonifacio, Diffun

Most Outstanding Secretary

Calaocan, Cabarroguis

Most Outstanding Treasurer

Calaocan, Cabarroguis     

Most Outstanding Tanod (Individual Community Service)

Andres Bonifacio, Diffun

Most Outstanding Tanod (Team Community Service)

Andres Bonifacio, Diffun

mga-pamahalaang-lokal-sa-quirino-inaasahang-mamayagpag-sa-2023-eagle4Tinalakay ng PET ang resulta ng on-site evaluation sa DILG Quirino Provincial Office, San Marcos, Cabarroguis, Quirino, noong ika-30 ng Agosto, 2023.

Tinanghal na Most Compliant in the Barangay Full Disclosure Policy (BFDP) para sa 2023 “BALLIGI” Iti Kailyan ang Brgy. Progreso, Aglipay.

Bibigyan ng pagkilala at parangal sa CUA Awards sa Panagdadapun Festival na nakatakda ngayong buwan ng Setyembre ang mga nagwaging barangay. Sasailalim sa panibagong yugto ng ebalwasyon mula sa panrehiyong antas ang mga nabanggit na barangay sa iba’t ibang kategorya ng 2023 EAGLE.

LGOO II RANIELLE PAULINE D. DELOS REYES

 

 

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam