PROBINSYA NG CAGAYAN – Dinalohan at pinangunahan nila Panrehiyong Patnugot Agnes A. De Leon at Pangalawang Panrehiyong Patnugot Elpidio A. Durwin ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Rehiyon Dos ang pagpapasinaya sa mga nakumpletong proyekto na pinondohan sa ilalim ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG)sa mga bayan ng Iguig, Lal-lo, at Solana noong ika-16 at ika-18 ng Agosto, 2023.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan2Pinahalagahan ni RD De Leon sa kanyang mensahe ang layunin ng DILG na tulungan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maisakatuparan ang kanyang mithiin na maging progresibo at nabibigyang ginhawa ang mga mamamayan sa buong Pilipinas.

Unang dinaluhan ni RD De Leon kasama sina Panlalawigang Patnugot Maria Loida M. Urmatam at ilang kawani ng DILG Cagayan ang proyektong pagpapasemento ng kalsada sa Sitio Damortis, Sampaguita sa Solana at bagong gawang Multi-purpose Gymnasium sa Barangay Bayo, Iguig, Cagayan noong ika-16 ng Agosto, 2023.

Sa mensahe ni RD De Leon, binigyang diin niya sa Pamahalaang Lokal ng Solana at Iguig ang mga adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na makitang nagiging progresibo at nabibigyang ginhawa ang mga lokal na mamamayan sa bawat proyektong ipinapatupad ng mga Pamahalaang Lokal sa buong Pilipinas na maituturing na mga high-impact development projects. Hinikayat ni RD De Leon ang bawat isa na patuloy na magtulungan ang lahat upang maisakatuparan ang layunin ng Pangulo sa buong Lambak ng Cagayan.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan3Naging saksi si PD Urmatam sa pagpupursigi ng Pamahalaang Lokal ng Solana at Iguig upang maparangalan sa aspeto ng Good Local Governance.

Samantala, pinurihan naman ni Panlalawigang Patnugot Maria Loida Urmatam ang mga Bayan ng Solana at Iguig sa pagbibigay prayoridad sa mga talagang nangangailangan sa kani-kanilang mga nasasakupan. Aniya, magmula noong naitalaga siyang Tagapangasiwa ng Pamahalaang Lokal hanggang sa naging Direktor, nasaksihan niya umano ang pagpupursigi ng mga Lokal na Pamahalaan ng Solana at Iguig para mapabilang sa mga piling LGU na ginagawaran ng SGLG. Nakita niya rin umano kung papaano nagbago at naging progresibo ang mga bayang ito dahil sa kanilang dedikasyon at paninindigan para sa mabuting pamamahala. At pinaalala nya rin na kaakibat ng mga proyekto ay ang resposibilidad at tamang pagpapanatili ng mga nasabing proyekto.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan4Nagpasalamat sina Alkalde Jennalyn P. Carag ng Solana (kaliwa) at Alkalde Ferdinand B. Trinidad (kanan) sa suportang ibinibigay ng DILG sa kanilang mga lokal na pamahalaan para maging SGLG awardee ang kanilang mga bayan.

Lubos na nagpasalamat ang mga alkalde ng Solana at Iguig na sina Kgg. Jennalyn P. Carag at Kgg. Ferdinand B. Trinidad sa DILG sa suporta at pakikipagtambalan kani-kanilang mga pamahalaang lokal para sa maasahan at mabisang serbisyong ibinibigay ng Kagawaran. Umaasa ang parehong alkalde na sana mapasama sa listahan ng mapaparangalan ng SGLG ang kanilang mga pinamumunuang bayan.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan5Pagpapasemento ng kalsada sa sitio Damortis, Sampaguita, Solana (kaliwa) at pagpapatayo ng Multi-purpose Gymnasium sa Bayo, Iguig (kanan)

Dumalo naman sa pagpapasinaya ng proyektong Streetlights sa kahabaan ng Magapit-Mission Road sa bayan ng Lal-lo noong ika-18 ng Agosto si Ikalawang Panrehiyong Patnugot Elpidio A. Durwin. Pinuri niya ang Pamahalaang Lokal ng Lal-lo dahil sa palagiang pagwawagi nito ng SGLG mula noong siya pa ay dating Panlalawigang Patnugot ng Cagayan at Isabela. Aniya, ang gantimpalang nakamit ng Lal-lo ay dahil sa pagtutulungan ng kanilang alkalde, buong Sangguniang Bayan, at mga miyembro ng Technical Working Group na nagsisiguradong nasa tama at mabuti ang pamamalakad ng kanilang bayan. Nakasisiguro sya na ang proyektong ito ay magdudulot ng kaunlaran sa kanilang pamayanan.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan6Pinasinayaan ang pagpapagawa ng streetlights sa kahabaan ng kalsada ng Magapit-Mission sa Lal-lo, Cagayan noong ika-18 ng Agosto.

Nagpasalamat naman ang Punong Bayang si Florante C. Pascual sa DILG at mga kasamahan niya sa munisipyo sa kanilang pagtutulungan upang maisakatuparan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Isinalaysay ni Alkalde Pascual na ang pagpapagawa ng Lal-lo ng streetlights ay para mailawan ang ruta ng mga motorista at upang maiwasan ang aksidente sa daan.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan7Wika ni ARD Durwin, maliit man ang proyektong ginawa ng Lal-lo, marami itong maidudulot na kabutihan para sa mga residente sa kahabaan ng Magapit at Mission.

Ang SGLG ay programa ng Gobyerno na layong paigtingin at kilalanin ang tapat at mahusay na pagganap ng mga tungkulin ng mga lokal na pamahaalan.

3-proyektong-sglgif-sa-cagayan-pinasinayaan8Mahigit 150 streetlights ang ipinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Lal-lo, Cagayan gamit ang insentibong iginawad sa kanila mula sa 2022 SGLG.


IO II Louella Marie T. Pader

 

 

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam