Pinangunahan ng Pamahalaang Lokal ng Angadanan, Isabela ang inaugurasyon ng Farm to Market Road sa Barangay Rancho Bassit, Angadanan, Isabela noong ika-4 ng Agosto, 2023. Ang proyektong ito ay pinondohan gamit ang patimpalak na pinagkaloob sa bayan ng Angadanan bilang isa sa mga nagwagi sa prestihiyosong Seal of Good Local Governance o SGLG para sa taong 2022.

farm-to-market-road-sa-angadanan-naisakatuparan-sa-pamamagitan-ng-sglgif2Pinuri ni RD De Leon ang Angadanan sa pagpapaayos ng Farm To Market Road sa Rancho Bassit para mapabilis ang kalakal ng mga produktong pang-agrikultura ng kanilang bayan.

Pinuri ni RD De Leon ang alkalde ng Angadanan sa kanyang progresibong pamamalakad para mapabuti ang kalsada sa nasabing barangay. “Dahil sa proyektong ito, mas magiging maginhawa at mapapabuti ang paghatid ng mga produktong pang-agrikultura ng mga barangay papunta sa iba’t ibang distrito ng negosyo sa munisipyo,” wika ni RD De Leon. Sinabi rin ni RD De Leon na gagawin nya lahat sa abot ng kanyang makakaya para maisangguni sa pambansang lebel ang inaasam ng Angadanan at iba pang mga Lokal na Pamahalaan sa probinsya ng Isabela para makamit ang pagiging SGLG awardee.

farm-to-market-road-sa-angadanan-naisakatuparan-sa-pamamagitan-ng-sglgif3Inulat ni PD Toribio sa Lokal na Pamahalaan ng Angadanan na sila ang pangalawang nakakumpleto at nagpasinaya ng proyetong pinondohan mula sa 2022 SGLG Incentive Fund sa buong Rehiyon Dos.

Sinabi naman ni Panlalawigang Direktor Corazon D. Toribio ng DILG Isabela na naisakatuparan ang proyektong Farm to Market Road ng Angadanan dahil sa mabuting pamamahala ni Alkalde Panganiban at pagtutulungan ng mga kawani ng munisipyo. Binigyang katiyakan din ni PD Toribio ang alkalde at iba pang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Isabela na palaging nakaalalay ang mga Tagapangasiwa ng Pamahalaang Lokal para panatilihin ang kanilang estado bilang SGLG awardee. Umaasa rin siya sa tulong ni Pangrehiyong Direktor Agnes A. De Leon ng DILG Rehiyon Dos para mabigyan ng pansin sa pambansang lebel ang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan sa Isabela upang mapabilang muli sa 2023 SGLG.

farm-to-market-road-sa-angadanan-naisakatuparan-sa-pamamagitan-ng-sglgif4Kinilala ni Alkalde Panganiban ang mga kinatawan ng Munisipyo ng Angadanan sa kanilang patutulungan para maging SGLG awardee.

Ayon kay Alkalde Joelle Mathea S. Panganiban, napagdesisyunan ng Municipal Development Council ng Angadanan na gamitin ang insentibong natanggap nila para pasementohan ang daan sa Barangay Rancho Bassit. Ang Rancho Bassit at mga karatig barangay ng Pissay, Baui, at Kalusotan ang ilan sa mga barangay na nag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura ng munisipyo. Hinahangad ng Alkalde na sana ay maging SGLG awardee muli ang kanilang bayan sa taong ito para magtuloy-tuloy ang pagpapasemento ng iba pang bahagi ng daanan.

farm-to-market-road-sa-angadanan-naisakatuparan-sa-pamamagitan-ng-sglgif5Nabanggit ni PB Baracao na malaking tulong ang pagpapasemento ng kalsada sa Rancho Bassit para mapabilis ang paglikas ng mga residente sa karatig na mga barangay tuwing may sakuna.

Isa pa sa karagdagang dulot ng pagpapaulad ng kalsada ay mapapabilis din ang paglikas ng mga residente sa mga Barangay ng Baui, Kalusotan, Pissay, Rancho Bassit at ilang parte ng Centro Dos ayon kay Punong Barangay Eduardo Baracao Sr. Bago pa raw nagawa ang kalsada ay hirap ang munisipyo sa paglikas ng mga residente sa nasabing mga lugar dahil sa matinding pagtaas ng tubig tuwing umuulan. Nagsasagawa ng pangunang paglilikas ang mga empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para mailipat ang mga residente sa ligtas na lugar at makaiwas sa sakuna.

IO II Louella Marie T. Pader

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam