We Welcome Your Feedback



LUNGSOD NG ILAGAN, ISABELA - Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa lalawigan ng Isabela, sa pamumuno ni Direktor Corazon D. Toribio, ay nagsagawa ng Townhall Meeting ukol sa pagsisikap ng pamahalahaan sa pagbabakuna sa lalawigan ng Isabela.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga City/Municipal Health Officers (C/MHOs), mga Punong Barangay, miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) at iba pang mga kalahok na kasapi sa eligible priority group.

Ang pagpupulong ay isinagawa noong ika-17 ng Agosto 2021, sa pamamagitan ng zoom application at at ito rin ay itinamapok at napanood sa social media na facebook live.

Ang nasabing pagpupulong ay naging daan upang maibahgi ang tamang impormasyon kaugnay sa bakuna at pagbabakuna. Layon din nitong bigyang linaw ang mga katanungan ng madla at tanggalin ang kanilang mga agam-agam patungkol sa pagbabakuna.

Kasama sa nasabing aktibidad sina Dr. Arlene M. Lazaro, ang Provincial Health Officer I ng Isabela at kasalukuyang namumunong Isabela Vaccination Program Operations Center, Bb. Ma. Luisa Matote at Bb. Carol Jean G. Domingo ng Kagawaran ng Kalusugan at Gng. Merlito G. Edale, Jr., Information Center Manager ng Philippine Information Agency (PIA).

Hinikayat ni PD Toribio ang lahat ng mga kalahok na magpabakuna lalong-lalo na ang mga miyembro ng BHERTs at mga kasama sa priority group A1 upang magsilbing ehemplo sa knilang mga nasasakupan at mahikayat ang iba pa para magpabakuna na rin.

“Tayo na at magpabakuna para magkaroon tayo ng laban sa malalang epekto ng COVID-19 virus. Ang pinakamagandang bakuna ay yung nandyan o nakahanda na para sa knila”, aniya.

Ilan sa mga paksang natalakay ay ang COVID-19 Vaccine Primer at diskusyon sa sampung (10) pinakamadalas na katanungan ukol sa bakuna. Natalakay din sa pagpupulong ang kasalukuyang estado ng pagpapatupad ng pagbabakuna sa lalawigan. Bilang pagtatapos, pinaaalalahanan ang lahat tungkol sa patuloy na pagsunod sa minimum public health standards katulad ng pagsuot ng face mask at face shield, palagiang paghugas ng kamay at pagsunod sa physical distancing. Hinikayat din ang pag-iwas sa mga mass gatherings at pagdalo sa mga okasyon.

(PINAGMULAN: LGCDU, DILG ISABELA)

RDsCorner

ARDsCorner

GAD Corner

Anti-Red Tape




422536
TodayToday1606
YesterdayYesterday3184
This WeekThis Week7637
This MonthThis Month41437
All DaysAll Days4225366
Highest 01-14-2024 : 3421
US