We Welcome Your Feedback



TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 138 na nilagdaan ng mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-01 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Rehiyon Dos ay nagdaos ng paunang pagpaplano at pagpupulong noong ika-03 ng Agosto, upang pangasiwaan at pasimulan ang papagbalangkas ng mga pamahalaang lokal sa buong rehiyon ng kanilang kanya-kanyang DTPs o ang tinatawag na Devolution Transition Plans.

Pinangunahan ng dibisyon ng LGCD sa pamumuno ni LGOO VII Catherine G. Allam-Miranda at dinaluhan ng mga Direktor ng mga lalawigan ng Isabela at Cagayan na sina, Engr. Corazon D. Toribio at Ruperto B. Maribbay, Jr., at iba pang mga emplyedo ng ahensya, layon ng DILG Rehiyon Dos na maibahagi ang mga kinakailangang kaalaman, kasanayan at kakayanan sa mga nakatalagang empleyado at tauhan ng mga pamahalaang lokal upang matagumpay nilang mabuo ang kanilang DTPs, na angkop at nakadisenyo para tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ang DTPs ang magsisilbing patnubay at gabay tungo sa maayos at matiwasay na pagsasalin ng mga tungkulin at serbisyo sa mga pamahalaang lokal at ito rin ang magiging batayan sa pagsubaybay at pagsusuri ng mga ahensya ng pamahaalan sa mga ipapatupad at isasagawang mga programa at proyekto ng mga pamahalaang lokal.

RDsCorner

ARDsCorner

GAD Corner

Anti-Red Tape




422631
TodayToday431
YesterdayYesterday2120
This WeekThis Week8582
This MonthThis Month42382
All DaysAll Days4226311
Highest 03-27-2024 : 3184
US