Bilang suporta sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte, magsasagawa ang Department of the Interior and Local Government o DILG Region 02 ng Federalism Roadshow kabalikat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa F.L Dy Coliseum nitong darating naSetyembre 26-27 ng kasalukuyang taon.

Layunin ng aktibidad na mahikayat, mapataas at mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan patungkol sa mga hindi magandang dulot ng isang unitary system at maimulat ang mga Pilipino sa magandang maibibigay ng pederalismo sa bansa.

Ang ambisyon ng Pangulo para sa bansa na magkaroon ng isang sistema na makapagbibigay ng pang-matagalang kapayapaan, kaunlaran at kasaganahan para sa bawat mamamayang Pilipino ang nagtulak sa kasalukuyang administrasyon para ipakilala ang pederalismo.

Naniniwala ang Pangulo na makakamit ng Pilipinas ang minimithing pagbabago na naaayon sa ating pagkakakilanlan, pananaw, at mithiin bilang isang malayang bansa.

Ayon kay Regional Director Jonathan Paul M. Leusen Jr., mahalagang maipabatid sa mga mamamayan ang maaring oportunidad na maibibigay ng pederalismo lalo na’t nais na ibahagi ng kasalukuyang administrasyon ang kapangyarihan nito sa mga lalawigan at kanayunan.

Aniya, mas magiging malaya pa ang bansa sa pamamagitan ng bagong sistema ng gobyerno.

Samantala, isang media forum ang magaganap sa unang araw ng roadshow. Tatlong consultative committee commissioners ang magsisilbing panelists kasama ang mga media na siyang huhusga sa nasulat na bagong konstitusyon.

Magkakaroon rin ng isang pagpupulong sa ikalawang araw ng aktibidad upang pag-usapan ang mga naitalang problema or suhestiyon mula sa publiko.

Maliban dito, isang political rally ang magaganap kasama ang iba’t ibang stakeholders, mga lokal na pamahalaan, sectoral groups at mga supporters ng pederalismo.

Aasahang nasa limang libo o higit pang katao ang dadalo sa naturang roadshow kasama ang dating Chief Justice na si Reynaldo Puno, dating Senator Nene Pimentel at Father Ranhilio Aquino.# (Isinulat ni KC D. Sucuano – DILG Region 02/RPMO)

 

RDsCorner


ARDsCorner







RFQ: Provision of Catering Services for the conduct of DAGYAW on August 20, 2019 in Tuguegarao City

RFQ: Provision of Rental Services for LED Wall, Telepromter, Sound System Support; Photo and video coverage and Live video coverage for the conduct of DAGYAW on August 20, 2019 in Tuguegarao City

RFQ: Provision of supplies for the conduct of Roll-Out Training of the SGLGB for Barangay Application System and PCMS on July 20, 2019 to August 2, 2019

RFQ: Provision ICT equipment for the conduct of Roll-Out Training of the SGLGB for Barangay Application System and PCMS on July 20, 2019 to August 2, 2019

RFQ: Provision ICT equipment for the conduct of Roll-Out Training of the SGLGB for Barangay Application System and PCMS on July 20, 2019 to August 2, 2019

RFQ: Provision of Printing Services for the 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Orientation

RFQ: Provision of Catering and Accomodation Services for the conduct of 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Orientation

RFQ: Provision of Printing for the Advocacy Campaign and Awareness on Federalism

RFQ: Provision of Catering and Accommodation Services for the conduct of Computer Literacy Courses 1 (CLiC 1) on March 24-26, 2019

RFQ: Provision of Printing of Brochures, Comics, and Book Primers for the advocacy campaign and awareness on Federalism

RFQ: Purchase of Laptops, External Drives and Extension Wire to be used during the orientation and Training Roll-Out on Strengthening Local Anti-Drug Abuse Councils

RFQ: Provision of Catering and Lodging Services for the Orientation and Training Roll-Out on Strengthening Local Anti-Drug Abuse Councils on August 28-30, 2018

RFQ: Provision of Catering and Lodging Services for the Orientation and Training Roll-Out on Strengthening Local Anti-Drug Abuse Councils on August 27-29, 2018

RFQ: Provision of Meals and Accommodation fo the conduct of RS4LG Diagnosis Workshop

Notice to Award: Rehabilitation of Basco Level III Water System

ITB: Purchase of Lot for Motorpool and Slaughterhouse

ITB: 6 Brandnew Motor Vehicle

Bid Documents Infra Projects LGU Piat

Bid Documents Motor Vehicle 2014-A 

Bid Supplement for SUV

Supplemental Bid Bulletin No. 1

ITB: Brand New Vehicle

1184926
TodayToday466
YesterdayYesterday2515
This_WeekThis_Week9424
This_MonthThis_Month53458
All_DaysAll_Days1184926
US
Guests 35
Registered Users 4